Showbiz News

Magpakailanman presents 'Misis, Ipinagpalit sa Beki!'


Ang alam natin, ang isang lalaking may asawa ay maaaring magkaroon ng ibang babae. Pero meron palang mga lalaking may asawa na maaaring magkaroon ng ibang lalaki!
 
Ngayong Sabado, tunghayan natin ang kwento ni Turbo – isang lalaki na pinagpalit ang kanyang asawa sa isang beki!
 
Nabuntis ni Turbo si Anna at nagpakasal sila agad. Subalit ang dating matamis nilang pagsasama ay nauwi sa laging pag-aaway. Hanggang sa nakilala ni Turbo si Jay na call center agent. Porma ay lalaki, pero isa palang bading!
 
Laging nakakasama at nahihingahan ng sama ng loob ni Turbo si Jay tungkol kay Anna. Lalo pang nalapit si Turbo kay Jay dahil kay Jay n’ya naramdaman ang pagmamahal at pag-aaruga na dapat sana ay si Anna ang nagbibigay. Di nagtagal, tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Turbo kay Jay.
 
Paano aaminin ni Turbo kay Anna na si Jay na ang kanyang minamahal? 
 
Matanggap kaya ng pamilya ni Turbo ang kanyang bagong pagkatao? 
 
May happy ending kaya ang love story ni Turbo at ni Jay?
 
Ngayong Sabado, August 1, ating abangan sa Magpakailanman, ”Misis, Ipinagpalit Sa Beki!” Itinatampok sina ROCHELLE PANGILINAN bilang Anna, VICTOR BASA bilang Jay, SUSAN AFRICA bilang Ester, KEN ALFONSO bilang Patrick at SID LUCERO as Turbo.
 
Sa ilalim ng direksyon ni Ricky Davao, mula sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik ni Stanley Pabilona. Sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto