Showbiz News

Bukas na ang daan mula sa Kabilang Mundo sa 'Dragon Ball Fight! Presents: Revival Fusion'

By MARAH RUIZ

 
Sumabog ang Soul Cleansing Machine!
 
At ang laman nito ay tumapon sa halimaw na tagapagbantay nito. Dahil dito, nag-ibang anyo ito at naging isang higente—si Janemba. 
 
Haharangan ni Janemba ang check in station ng Kabilang Mundo. Dahil dito, maiipit si King Yemma at hindi na niya mababantayan ang mga pumapasok patungo sa mundo ng mga nabubuhay. 
 
To the rescue naman sina Gohan at Vidal para sugpuin ang mga masasamang elemento na nakapasok mula sa Kabilang Mundo. Sa pangunguna naman ni Bulma, lilipunin ng grupo ang mga Dragon Balls at hihilingin kay Shenron na ibalik ang mga kaluluwa sa Kabilang Mundo.
 
Alintana ni Shenron na may problema sa kabilang mundo kaya babalaan niya ang grupo na kahit ibalik niya ang mga kaluluwa sa Kabilang Mundo, madali lang makakabalik ang mga ito sa mundo ng mga nabubuhay. 
 
Samantala, hihingi ng tulong si King Yemma kina Goku at Pikkon dahil papalapit na si Janemba sa check in station. 
 
Maibalik kaya nila ang mga kaluluwa sa Kabilang Mundo? Paano tatalunin ni Goku ang higanteng si Janemba?
 
Alamin ang mga ito sa Dragon Ball Fight! Presents: Revival Fusion. Panoorin ang unang bahagi sa August 1, pagkatapos ng Cross Fight B-Daman at ang pagpapatuloy nito sa August 2, pagkatapos ng Pac-man and the Ghostly Adventures, dito lang sa GMA Astig Authority!