Showbiz News

Muling kiligin kina Sunny at Johann sa 'The Master's Sun' simula August 3!

By MICHELLE CALIGAN

 
Ngayong Lunes, August 3, magbabalik ang very first romcom horror telenovela sa Heart of Asia, ang The Master's Sun.
 
Samahan natin si Sunny, isang masayahing babae na biglang nagkaroon ng kakayahang makakita ng multo pagkatapos ng isang aksidente. Naging mahirap ang buhay para kay Sunny dahil lagi siyang natatakot sa posible niyang makita, pero laking tuwa niya nang makilala niya si Johann, ang presidente ng isang malaking shopping mall. Tuwing hinahawakan niya si Johann ay hindi siya nakakakita ng multo.
 
?Bilang isang practical and idealistic businessman, hindi naniniwala si Johann ?sa mga multo. Ang mga pinaniniwalaan lang niya ay ang mga bagay na nakikita at naririnig niya. Kaya noong una'y ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ni Sunny na siya ang solusyon sa problema nito.
 
Makukumbinsi kaya ni Sunny si Johann na manatili sa tabi niya? Paniniwalaan kaya ni Johann ang mga sinasabi ni Sunny? Mauuwi kaya sa pag-iibigan ang dalawa?
 
Huwag palampasin ang pagbabalik ng most unusual love story na muling magpapakilig at magpapanginig sa inyo tuwing umaga, ang The Master's Sun, simula August 3, 9:35 a.m., bago ang Two Mothers at The King's Doctor, sa Heart of Asia Mornings.