Showbiz News

Dream come true para kay Dingdong ang makatrabaho ang susunod na 'Pari 'Koy' guest

By BEA RODRIGUEZ
 

Isang thanksgiving mass ang dinaluhan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Primetime Queen Marian Rivera at ng Pari ‘Koy cast kagabi, August 1.
 
“Maraming dahilan para magbigay pasalamat pero isa sa mga ‘yun talaga ay ‘yung walang sawang suporta ng mga tao na nanunuod sa Pari ‘Koy dahil nabigyan kami ng pagkakataon mas mag-extend,” saad ng birthday celebrant sa report ng 24 Oras Weekend.
 
READ: Dingdong Dantes receives an advance birthday surprise from NYC 
 
Dagdag naman ng kanyang blooming na asawa, “Ang daming blessings na dumarating sa buhay niya. Sabi ko nga sa kanya [na] everyday be thankful talaga siya.”
 

Isang advanced birthday gift ang natanggap niya sa kanyang kaarawan at ito ang makatrabaho ang isa sa mga pinapangarap niyang makatrabaho. Hindi niya man pinangalanan ang taong ito pero nagbigay naman ang mag-asawa ng mga pahiwatig.“
 
Aniya, “[Ma-]katrabaho [siya ay] dream come true ‘yun. Talagang magkakatotoo. Isa lang ang patunay dun na walang talagang himala.” habang ang kanyang misis naman ay nagsabing, “Hindi na makakapag-lines. Tulala na lang si father.”
 
READ: How Pari ‘Koy changed Dingdong Dantes 
 
Si Marian naman ay excited na sa kanyang pagbabalik telebisyon sa Sunday Pinasaya ngayong ika-siyam na ng Agosto. Makakasama niya rito sina Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas pati na ang comedic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola.