Showbiz News

Glaiza de Castro at Rhian Ramos, mas naging close nang bumida sa 'The Rich Man’s Daughter'

By BEA RODRIGUEZ
 
Kung dati nagkakasakitan ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos sa Stairway to Heaven, ibang-iba naman ang kanilang pakikitungo sa The Rich Man’s Daughter.
 
“Mas naging close kami because of the show. Nakatrabaho ko siya sa Stairway to Heaven at nagpa-Party Pilipinas kami at Sunday All Stars. Before talaga wala kaming scene na hindi kami nagsasabunutan, sampalan, lagi kaming nagsasakitan sa isa’t isa. [Ngayon] nagmamahalan na, total opposite talaga,” pagpaliwanag ni Glaiza sa tanong nina Suzi Abrera at Lyn Ching sa Unang Hirit.
 
READ: Glaiza de Castro considers team up with Rhian Ramos as her most successful love team 
 
Madalas na raw silang mag-bonding sa set at kahit walang taping. Ang pinakagusto nilang gawin ay kumain. Pinakita sa screen ang isang litratong nagsusubuan sila ng pagkain, “Ganun kami mag-care sa isa’t isa, nagsusubuan kami. Mahilig po talaga kasi kami sa food.”
 

READ: Glaiza de Castro shows support for Rhian’s new movie
 
Bukod sa kanyang leading lady, naging close din daw siya kay Katrina Halili, “First time ko siya makatrabaho talaga nang matagal. Sila Chynna kasi nakatrabaho ko sa Dading [at] si Mike [ay] nakasama ko sa workshop.”
 
Naging close daw talaga ang cast ng teleserye at para na rin silang pamilya. Ano ba ang kanilang ginagawa sa set? Saad ng aktres, “Nagkukulitan lang kami ng mga alas tres na yata ‘yan ng madaling araw [para] pampagising tapos eat talaga kapag magbabaklas kami from one location to the next location.”
 
Huling taping day na raw nila ngayong araw at huling linggo na rin ito ng kanilang serye. Nagpapasalamat si Glaiza sa lahat ng tumangkilik ng The Rich Man’s Daughter mula nang umere ito noong Mayo.
 
READ: Netizens bilib sa performances ng cast sa 'The Rich Man’s Daughter'
 
“Sa lahat ng sumuporta mula from Day 1 hanggang ngayon, thank you. Medyo nase-sepanx (separation anxiety) kami pero nagpapasalamat kami dahil sa inyo, naging matagumpay ang lahat ng mga pinaghirapan namin. Maraming-marami salamat [din] po sa lahat ng pumunta kahapon sa SM Rosario Cavite. Grabe ‘yung mga tao kahapon, as in nakakatuwa.”