Showbiz News

Look nina Megan Young at Tom Rodriguez sa 'Marimar,' ipinakita na

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Hindi maikakailang in character na sina Megan Young at Tom Rodriguez nang ipakita ang kanilang look para sa Kapuso reprise ng Marimar.
 
Ani Megan sa panayam ng 24 Oras, “Marami po kaming pinagdaraanan na workshops lalo na sa acting. Lalo na ako, I mean inaamin ko rin na matagal na ako hindi nakakaarte sa TV since bago pa ako [sumali sa] Miss World.”
 
Dugtong naman ni Tom, “I’m excited ‘coz it’s an iconic role na very beloved not just by Mexican viewers but by Filipino viewers. I mean a lot of people grew up with the character. It’d be a great and fun challenge to breathe new life to it.”
 
Mapapansin din na komportable ang dalawang Kapuso stars na makaeksena ang isa’t isa. Kaya naman, may pangako si Megan para sa kanilang mga manonood.
 
“Kami ni Tom, sisiguraduhin namin na pagdating kay Marimar 'tsaka kay Sergio, sila talaga in love na in love talaga sila. Hindi kayo magkakamali doon, makikita niyo talaga na in love sila,” sambit niya.
 
READ: Megan Young, masaya sa chemistry nila ni Tom Rodriguez 
 
Excited din ang aktres na mismong ang kapatid niyang si Lauren Young ang mang-aapi sa kanya.
 
“Si Lauren sobrang talented niya. She’s a really great actress and she’s full of surprises. Hindi ko alam kung may balak ba siya sabunutan ako, may balak sampalin ako, itulak ako sa putik,” bahagi ni Megan.
 
Video coutesy of GMA News