Showbiz News

Jake Vargas, inaming nahihiya pa rin kay Julie Anne San Jose

By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
"Si Jake [Vargas], hindi ko rin kasi siya masyadong nakakausap bilang masyado siyang tahimik na tao," 'yan ang pahayag ni Buena Familia star Julie Anne San Jose nang tanungin siya sa kanyang love team sa Afternoon Prime soap na si Jake.
 
Kuwento ni Julie Anne, siya pa raw ang unang kumakausap sa ka-love team. "Medyo may pagka-mysterious siya. And sobrang bihira lang siya magsalita like kung hindi mo siya kakausapin, hindi siya magsasalita. Pero mabait naman po si Jake," anang Kapuso actress.
 
READ: Julie Anne San Jose, confident na magiging effective ang love team nila ni Jake Vargas
 
Nang tanungin si Jake, agad naman niyang pinatotoohanan ang sinabi ni Julie Anne. "Usually po kasi noong high school po ako, talagang hindi po talaga ako nakikipag-usap sa mga tao. Lagi po akong nakayuko," sambit niya.
 
Likas na raw sa kanyang ang pagiging mahiyain. Ani Jake, "Basta mahiyain po talaga ako. Hanggang ngayon po [ay] mahiyain pa rin po ako. Tahimik lang po ako lagi."
 
Pero ayon kay Jake, okay naman daw ang personal relationship nila ni Julie Anne dahil matagal-tagal na rin silang magkatrabaho. "Mabait naman po si Julie saka magkasama na po kami sa Pepito Manaloto kaya okay kaming dalawa. Friends kami," paglilinaw niya.