Showbiz News

Barbie Forteza, excited sa kanyang first hosting stint sa 'Sunday PinaSaya'

By BEA RODRIGUEZ
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
  
Magkahalong excitement at pressure daw ang nararamdaman ng Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza sa kanyang kauna-unahang pagkakataon na sumabak bilang host ng Sunday PinaSaya.
 
READ: Barbie Forteza, nakamit na raw ang kanyang goals bago siya mag-18 years old 
 
Ibang-iba raw ito sa kanyang ginagawang afternoon drama na The Half Sisters dahil ipapakita niya ang kanyang pagka-bibo.
 
“Ito sobrang kabaligtaran kasi ito comedy tapos variety show na andito na lahat kaya saktong-sakto. May mga nagsasabi na mas madali daw magpaiyak kaysa magpatawa so feeling ko mas magiging challenging ‘tong Sunday PinaSaya kasi siyempre 'di ba kailangan i-give mo lahat, all-out pero excited ako kasi nga kakaiba siya para sa akin,” ani Barbie sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
 
Mas ginanahan pa ang The Half Sisters star nang malaman ang mga makakasama niya sa show, “Excited kasi noong nalaman ko pa lang kung sino ‘yung makakasama ko, siyempre na-pressure ako pero noong nakasama ko sila [sa pictorial], excited ako magsimula.”
 
FIRST LOOK: Kilalanin ang mga host ng 'Sunday PinaSaya'
 
Nakatrabaho na ni Barbie si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tweets For My Sweet at ang mga Comedy Concert Kings na sina Jose Manalo at Wally Bayola naman ay nakasama na niya sa My Little Bossings.
 
Nagulat pa raw ang Kapuso artist nang mapasama sa cast at nang malamang siya rin ang bunso sa show. Malaki naman ang kanyang pasasalamat na siya ay napili, “Sobrang honored at thankful siyempre dahil napasama ako dito sa show na ‘to at gagalingan ko para kahit papaano hindi ako mapag-iwanan [dahil] sobrang gagaling ng kasama ko.”
 
READ: Barbie Forteza shares details about her “Adopt-a-Room” birthday charity project