Showbiz News

Willie Revillame naniniwala sa unbeatable tandem ng 'Wowowin' at 'Sunday PinaSaya'

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Mas pinalakas at pinabongga ng Kapuso network ang Sunday viewing habit ninyo tuwing Linggo ng hapon. Sa darating na Linggo (August 9), back-to-back na mapapanood ang Sunday PinaSaya at Wowowin
 
Sa panayam ng entertainment press kay Willie Revillame nitong Miyerkules (August 5) sa presscon ng Wowowin sa GMA Network Ccenter, sinabi ng Kapuso host na makakatulong ng malaki sa kanyang show at higit sa lahat mas tatangkilikin ang mga programa ng GMA-7 dahil bago ang hinahain nila sa mga manonood. 
 
READ: 'Wowowin,' mapapanood na sa mas pinaaga at mas pinahabang oras
 
Saad ni Willie, “I think sobra ‘yung Sunday PinaSaya, it’s like an extension of Eat Bulaga. Parang buo na ang tanghalian mo. Lunes hanggang Sabado at hanggang Linggo. Siyempre for the longest time ang napapanood natin sa mga lunch time ng Sundays is more of variety [and] entertainment.”
 
Dagdag niya, “Eto kumbinasyon eh. Ang concept nila puro magbibigay din sila ng saya, kaya PinaSaya eh. I think mayroon silang mga skit, mayroon silang mga comedy skit and then live din sila. So kumbinasyon.”
 
“At the same time pagkatapos nila mayrong papremyo sa Wowowin,” ani Kuya Willie. 
 
Inusisa rin ng press na sa kabila ng tinatamasa niyang yaman at tagumpay ay mayroon pa bang kulang o di kaya ay mahihiling pa siya?  
 
WATCH: Mas Wow sa Saya simula ngayong Linggo

Pag-amin ni Willie na bagamat kumportable na ang estado ng kanyang buhay, hindi pa rin daw niya maituturing ito na perpekto.
 
Tugon ng Kapuso host, “Wala namang perpekto sa buhay laging mayroong hindi perpekto, laging may kulang eh. Pero masaya ako dahil I am so blessed, mahirap ‘yung wala ka ng nagmamahal sa ‘yo, wala ka pang muebles, wala ka pang pera mas mahirap siguro ‘yun.”
 
“Pero ‘to okay lang, basta sa akin ang kayamanan ko gusto ko ‘yung programa maging daily show na araw-araw ako nagbibigay ng saya.”
 
Catch Wowowin in its new timeslot starting this Sunday (August 9) after Sunday PinaSaya!