Showbiz News

Nora Aunor, umaming iniidolo niya si Dingdong Dantes

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Mayroong iba't ibang henerasyon ng mga artista kaya't hindi na kagulat-gulat na marinig mula sa isang mas beteranong aktor na iniidolo niya ang mga sikat ngayon na celebrities.
 
Pinatunayan 'yan mismo ni Superstar Nora Aunor nang aminin niyang idol niya si Pari 'Koy star Dingdong Dantes.
 
"Nako jusko idol ko 'yun. Ilang beses ko napanood 'yung [shows nila] ni Marian [Rivera]. Lagi akong nanonood noon," pahayag ni Nora.
 
Ikinuwento ni Nora ang pagtatagpo nila ng Kapuso Primetime King sa isang event kamakailan lang. "Nung awards night, nandun kami sa backstage tapos nakaupo kami tapos dumaan siya bigla. Ay sabi ko, ay idol idol. Gawa tayo ng pelikula, sabi kong ganoon," bahagi niya.
 
Agad naman daw umoo si Dingdong kay Nora noong gabing iyon. "Ang bait-bait nga niya eh, ang bait-bait talaga," saad ni Nora.
 
Ayon kay Nora, mukhang unti-unti nang matutupad ang hiling niya na makatrabaho si Dingdong sa isang project. Papasok kasi siya sa pinagbibidahang teleserye ni Dingdong na Pari 'Koy.
 
READ: Dream come true para kay Dingdong ang makatrabaho ang susunod na 'Pari 'Koy' guest
 
"Tapos ito nga, nagkaroon ng katuparan kahit nasa TV. Pero umaasa pa rin ako na magkasama kami sa isang pelikula," ani Nora.
 
Nagdalawang-isip ba si Nora nang i-offer sa kanyang ang Pari 'Koy role? "Ay hindi. Masarap makasama 'yung tao na mabait na, magaling pang umarte," sagot ng Superstar.