Showbiz News

Andrea Torres, starstruck pa rin kay Dingdong Dantes sa 'Pari 'Koy'

By BEA RODRIGUEZ
 
Sandaling napasama ang Kapuso star na si Andrea Torres sa cast ng Pari ‘Koy bilang si Leila at inamin niyang na-sta-starstruck pa rin siya sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
 
READ: Andrea Torres joins the cast of 'Pari ‘Koy'
 
“Nandun pa rin kasi ‘yung parang na-sta-starstruck ka pa rin so more on sa akin ‘yung effort talaga kasi si Kuya Dong approachable naman talaga,” saad ng sexy actress sa report ng 24 Oras.
 
Bago niya makaeksena ang Primetime King, inihanda niya ang kanyang sarili para magawa ito nang tama, “Parang ako lang, kailangan kong i-condition ang sarili ko na huwag mong iisipin na si Dingdong Dantes ‘yan, isipin mong si Father Kokoy ‘yan.”
 
READ: Sneak peak: Andrea Torres’s intriguing role in 'Pari ‘Koy'
 
Nag-post din siya ng litrato nila ni Superstar Nora Aunor sa Instagram at nagpasalamat sa naturang serye sa pagkakataon na makatrabaho niya ang beteranang aktres.
 
 
Dagdag ng Kapuso artist, “Save the best for last! Thank you Pari ‘Koy [dahil] dito pa [ako] nagkaroon ng pagkakataon na makaeksena ang Superstar  - Ms. Nora Aunor . Thank you so much Direk Maryo J. Delos Reyes, [and] Yan Yuzon for guiding me. Thank you Kuya Dingdong Dantes, Darling Torres, Mavic Tagbo at sa lahat ng cast, staff at crew.”
 
Inilarawan niya rin ang naging karanasan sa set kahit saglit lang ang pagganap niya, “Sobrang light at sobrang enjoy sa set!”
 
Huling araw na ng taping ni Andrea para sa Pari ‘Koy at ngayong araw ay nakatakda siyang lumipad patungong Cambodia para sa premiere ng kanyang international mini TV series na Blood In Dispute