Showbiz News

Nora Aunor, sumabak na sa unang taping para sa 'Pari 'Koy'

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Nagsimula nang magtaping ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor para sa Kapuso faith-serye na Pari ‘Koy.
 
Unang araw man ng taping ay sumabak na agad si Ate Guy sa heavy drama. Isang babaeng nawawala sa sarili kasi ang katauhang bibigyang buhay ng primyadong aktres.
 
Paglarawan niya sa gagampanang character, “Nawala ‘yung asawa ko, namatay ‘yung asawa ko. Tapos nawala apo ko. ‘Yung anak ko, itinakwil naman ako. Kaya ‘yung mangyari lahat ‘yun, may nag-snap ng kaunti sa isip.”
 
Hindi kaagad nakaeksena ni Ate Guy si Dingong Dantes ngunit una naman niyang nakasama ang mga beterana ring aktres na dati’y nakatrabaho na niya sa iba-ibang proyekto. Kabilang dito si Chanda Romero na nakasama ng Superstar sa Naglalayag at si Dexter Doria na co-star niya sa pelikulang Bongga ka Day.
 
READ: Dingdong Dantes, excited makatrabaho si Nora Aunor
 
Kamusta kaya ang tila reunion na nangyari sa set ng Pari ‘Koy?
 
“Naku, eh di nagsigawan at halakhakan. Nagyakapan. Masaya, parang naalala ko ‘yung mga ginawa namin noong araw,” kuwento ni Ate Guy.
 
Halos araw-araw ang trabaho ng Superstar. Bukod sa Pari ‘Koy ay ongoing din ang shooting niya para sa pelikulang Kabisera. Nakatakda rin siyang mag-taping para sa Wish Ko Lang. Aniya, ang hindi lang niya kayang tanggapin ay isang buong TV series dahil hindi na rin kaya ng kanyang katawan.
 
Pagbahagi niya,“Nagkasakit ako nang tatlong beses. Na-ospital ako nang tatlong beses. Alam mo naman ang mga bumabata ‘di ba. Medyo ingat na ng konti.”
 
Video courtesy of GMA News