Showbiz News

Hosts ng 'Unang Hirit,' may AlDub fever na rin!

By BEA RODRIGUEZ

Photo by: @unanghirit (IG)
 
Marami ang sumusunod sa kalyeserye #KiligPaMore ng tambalang AlDub at kabilang na rito ang mga hosts ng Unang Hirit. Tutok at kilig na kilig din ang barkada kaya hindi nila naiwasang pag-usapan ang trending love team sa kanilang morning chikahan.

READ: Tambalang AlDub ng “Eat Bulaga”, nag-trending worldwide! 

“Kuya Lhar, sunod-sunod ang pasabog ng kalyeserye ng Eat Bulaga!” ani ni Arnold Clavio sa mga kasamahan niya sa Unang Hirit.

“Araw-araw trending ah!”

“Worldwide!”

Nag-alala rin sila sa pagkahimatay ni Yaya Dub o si Maine Mendoza sa totoong buhay. Tanong ni Rhea Santos, “May nahimatay pa at hindi pala kasama sa script noh?”

Dagdag naman ni Pareng Arnold, “May hinimatay tapos sa susunod niyang pinost sa Instagram account, naka [pose] siya ng ganun. Parang walang nangyari, ‘di ba? Pero parang hindi pa natin ulit nakikita si Yaya Dub.”

Na-miss kaagad ng Eat Bulaga fans si Yaya Dub nang hindi siya nagpakita sa kalyeserye kahapon (Lunes). Okay na kaya si Yaya Dub?

READ: Alden Richards, miss na miss na si Yaya Dub 

Pahayag ni Susan Enriquez, “Wala kahapon si Yaya Dub sa segment [dahil] sinigurado niyang okay na siya ngayon kaya excited na ‘yung mga fans sa susunod na eksena ng tambalang AlDub. Napapanuod ko ‘yan eh.”

Ibinahagi naman ni Arnold ang kagandahan ng kalyeserye, “Ang maganda kasi dito, hindi alam ng manunuod [na] talagang walang script. Sinasabihan lang sila [tapos] hindi pa nagkikita ‘yung dalawa!”

Noong Sabado na sana magkikita sina Alden Richards at Yaya Dub para itigil ang kasalang Frankie ngunit hinimatay si Yaya. Kinumpronta na lamang nina Alden at Frankie ang isa’t isa.

LOOK: Eat Bulaga: The Alden-Yaya Dub love story 

Tanong naman ni Ivan Mayrina, “Sinabuyan daw [ng asido] si Alden ni Lola?”

Base sa mga nakukuhang text messages ng Unang Hirit mula sa fans, hinihiling daw nila na magkaroon ng pelikula ang AlDub at i-remake na rin nila ang My Love From the Stars.

Subaybayan ang kasunod na kwento ng pinakakilig at top trending love team na AlDub sa kalyeserye #KiligPaMore ng Eat Bulaga.

READ: Alden Richards at Yaya Dub, naniniwala nga ba sa forever?