Showbiz News

The clingy half sisters: Barbie Forteza's sweet birthday message for Thea Tolentino

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Ngayong ika-19 na kaarawan ni Thea Tolentino napatunayan ang closeness nila ng kanyang The Half Sisters co-star na si Barbie Forteza.
 
Sa isang picture collage, ipinakita ni Barbie na ibang-iba ang relasyon nila ni Thea offcam. Kung sa Afternoon Prime soap ay nag-aaway sila, sa likod naman ng camera ay napakaganda ng kanilang relasyon.
 
 
"Sa aking How To Get Away With Murder buddy, anime consultant (bilang wala 'kong alam sa anime), at higit sa lahat, ang kasing takaw kong kumain pero hindi halata sa katawan niya, sa 'kin lang. Unfair! Happy 19th Birthday, Bessy! Love you," post ni Barbie.
 
Bukod pa sa Instagram post, mayroon pang ipinahabol na mensahe si Barbie para sa kaibigan na ipinadala niya sa GMANetwork.com.
 
"My dear half sister, bwahaha charot! Bessy! Thank you dahil isa ka sa pinakatotoong taong nakilala ko sa showbiz. Napakasimple mong tao at hindi ka maarte. Masaya ako dahil nakatrabaho at naging kaibigan kita. Sana kahit matapos ang show, hindi pa rin mawala ang communication at bond natin," ani Barbie.
 
Dagdag pa niya, "Thank you sa friendship. More birthdays to come and stay kalog! Unti-unti na kita napapaingay hahahaha! I love you, Bessy! Happy birthday!"

READ: Mel Martinez's heartwarming birthday wish for Thea Tolentino