Showbiz News

Krystal Reyes, takot sampalin si Joyce Ching?

By AL KENDRICK NOGUERA
 
First full-time kontrabida ang role ni Krystal Reyes sa Healing Hearts kaya naman marami pa siyang adjustments na ginagawa. Ayon sa teen star, ang pinakamahirap daw gawin bilang isang kontrabida ay ang pagsampal niya sa kanyang co-stars lalo na kay Joyce Ching.
 
"Kapag nananampal po kasi talaga ako, kahit sobrang lakas, 'pag malapit na [ay] humihinto. 'Yung mayroon pong preno talaga kaya 'pag kay Joyce, minsan po ilang ulit ['yung takes]," pahayag ni Krystal.
 
READ: Joyce Ching, tinuruang manakit ang taong sasampal sa kanya
 
Kuwento ni Krystal, lagi raw sinasabi sa kanya ni Joyce na hindi siya nasasaktan sa sampal niya. "Actually ang lagi niyang sinasabi, hindi niya maramdaman. Sige Mars, lakasan mo na, huwag ka mahiya, saad niya.
 
Noong nagsimula nang lumaban ang character ni Joyce, nagkaroon daw ng pagkakataong makaganti ito kay Krystal. "Tapos mayroon pa po na sinampal ko siya [tapos] sinampal niya ako. Tapos mas maganda pa 'yung sampal niya kaysa sa sampal ko," natatawang sambit ng aktres.
 
Ayon naman kay Joyce, totoo raw na hindi niya maramdaman ang pananakit ni Krystal sa mga eksena nila sa Afternoon Prime soap.
 
"Sinasabi ko nga sa kanya, 'Tal, sampalin mo na 'ko nang malakas.' Kasi ako po, mas nahihirapan ako kapag i-a-acting ko pa 'yung gumanoon [sinampal] ako, so sabi ko sa kanya, 'Sige sampalin mo lang ako,'" ani Joyce.
 
Dagdag pa niya, "Tapos nagkaroon ng eksena na ako naman 'yung sasampal sa kanya. So sinampal ko siya. Akala ko talaga [ay] hindi masakit tapos sabi niya, Mars, ang sakit! Sige hindi na ako mahihiya sampalin ka."
 
Ani Joyce, dahil daw sa pangyayaring iyon ay hindi na masyadong nahihiyang manampal si Krystal.