TV

Max Collins, Rodjun Cruz, at Chynna Ortaleza, bibida sa Karelasyon ngayong Sabado


Magpapakasal na sana sila ni Lara (Max Collins) noon nang ma-aksidente at ma-comatose si Ricky (Rodjun Cruz).
 
Naging dahilan ito para sila ay magkawalay dahil hindi na nabisita ni Lara si Ricky dahil sa matinding pagbabawal ni  Zeny (Melissa Mendez), ang ina ni Ricky na kontra sa kaniang relasyon.   
 
At nang magising na si Ricky sa mahabang panahon na siya ay walang malay, tila nabura ang lahat ng alaala niya kay Lara. At si Julia (Chynna Ortaleza), na tumingin at nag-alaga sa kanya nang husto ang kinilala na niyang bagong pag-ibig.  
 
Paano ipaglalaban ni Lara na naudlot nilang pagsasama ni Ricky? May magagawa pa ba siyang paraan para bumalik sa utak ni Ricky ang mga alaala ng kanilang nakaraan?

Hahadlangan ba sila Julia kung nais na rin nitong angkinin ang puso at isip ni Ricky? 

Ito ang bagong kwentong inyong matutunghayan sa Karelasyon. Tampok sina Max Collins, Rodjun Cruz at Chynna Ortaleza, sa panulat ni Ralston Jover, direksyon ni Adolf Alix, Jr at paglalahad ni Ms. Carla Abellana, abangan ito ngayong Sabado, August 22, 2:30pm pagkatapos ng Eat Bulaga!