Showbiz News

Megan Young, naiyak nang bigyan ng blessing ni Marian Rivera bilang bagong 'Marimar'

By BEA RODRIGUEZ
 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

 
Kantahan at sayawan ang pinatikim ng Marimar stars na sina Megan Young at Tom Rodriguez sa mga manunuod ng Sunday PinaSaya. Bukas na matutunghayan ang pangalawang Pinoy remake ng hit Mexican telenovela at hindi nagpahuli si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na batiin ang bagong gaganap sa title role.
 
“Alam naman nating lahat na ‘yung Marimar ‘yung mga isa sa pinakaminahal talaga ng tao na ginampanan namin dalawa ni Thalia kaya naman sa araw na ito [ay] binibigay ko sa ‘yo ang taos-puso kong pagbati sa ‘yo,” ang sinabi ng Primetime Queen na nagpaiyak kay Miss World 2013.
 
READ: Megan Young, hindi raw kinailangang mag-diet para sa Marimar?
 
“[When] si Ate Yan lumabas congratulating me, giving me a bouquet of flowers [and] saying all these really nice things, sobrang nawala lahat ng pressure sa akin because it was like an angel came down and gave me such a great blessing,” ang pahayag ng dating beauty queen sa panayam ng GMANetwork.com nang naging emosyonal siya sa kanyang guesting.
 
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nilang dalawa sa isa’t isa at sobrang kilig ang naramdaman ng morena beauty. May mga payo rin daw na ipinamahagi ang dating gumanap sa title role, “Well, she gave me a few tips, [but] it was really quick. The depth in our short conversation really meant a lot to me, and I’ll always remember that every time [I'm] in front of the camera as “Marimar.”
 
Nang tanungin ang aktres kung ano ang mga payo ng Primetime Queen, tumanggi si Megan na sabihin ito, “I’ll keep it to myself.”
 
Idinaan ng bagong Marimar ang kanyang pagpupuri sa Instagram para sa soon-to-be mom. Isang selfie ang pinost ng dalaga, “Thank you so much Ate Yan for the kind gesture. You are truly a beautiful woman inside and out. Love you and congrats to you and Kuya Dong with your baby.”
 

READ: Megan Young, pressured ba sa Marimar dahil kay Marian Rivera?