Showbiz News

Former 'Rosalinda' star Carla Abellana may mensahe kay Sergio ng 'Marimar'

By AEDRIANNE ACAR
 
"Isa ako sa milyon-milyon mong tagahanga."
 
Ito ang matamis na mensahe ng Ismol Family actress Carla Abellana sa kanyang dating kapereha sa groundbreaking Kapuso teleserye na My Husband’s Lover na si Tom Rodriguez.
 
Nag-post ang Kapuso leading lady sa Instagram ngayong Lunes ng gabi (August 24) para suportahan ang bagong show na pagbibidahan nina Tom at Miss World 2013 Megan Young.
 
Ayon kay Carla, “Isa akong tagahanga ni @akosimangtomas. Mula pa noong una ko siyang makatrabaho sa My Husband's Lover at hanggang ngayon, ginugulat parin niya ako sa kakayahan niya sa pag-arte, sa kanyang talino, kabutihang loob, at lalo na sa kanyang napakaraming talento.”
 
Dagdag pa ng aktres, napakasuwerte raw niya na maging ka-love team si Tom at nakita raw niya kung gaano nito kamahal ang kanyang trabaho bilang artista.
 
“Sa loob ng mahigit tatlong taon na ako'y maswerteng naging kalahati ng tambalang TomCar, naiparamdam niya sa akin kung gaano niya kamahal ang trabaho niya at kung ano ang kaya niyang isakripisyo mapasaya lang ang mga manonood. Iba itong taong to, lagi kong sinasabi. Bakit? Dahil hindi niya alam kung gaano siya kahusay sa trabaho niya at kailanman hindi maniniwalang magaling siya.” 
 
Hindi rin daw dapat palampasin ng mga Kapuso televiewers ang Marimar dahil tiyak na gugulatin daw tayo sa galing ng pag-arte ni Tom at lubos daw itong pinaghandaan ng Kapuso hunk.
 
Buo rin ang suporta niya sa kapareha niya sa ‘No Boyfriend Since Birth’ dahil isa siya sa mga tagahanga ng aktor.
 
“Kaya naman uulitin ko. Isa akong tagahanga ni @akosimangtomas. At bilang isang tunay na tagahanga, ibibigay ko ang buong suporta ko sa kanya, ano man ang karakter niya at sino man ang makasama niya.”
 
Mula ng ito ay mai-post, may mahigit 1,300 likes na itong nakuha sa Instagram.