Showbiz News

'Legendary Women,' magsisimula na ngayong August 31

By MARAH RUIZ


Narito ang kuwento ng matamis na paghihiganti ng apat na babaeng napagkaitan ng katarungan.
 
Sinong mag-aakalang makakapagbukas ng isang bakery and apat na ex-convict?
 
Kakaiba ang magiging pagsibol ng pagkakaibigan nina Colleen Moon, Dulce Shim, Roxie Son at Cleo Seo dahil sa bilangguan sila magkakakilala. Mapait man ang kanilang naging karanasan sa bilangguan, may baking classes naman dito na magpapalipas ng kanilang oras at magbibigay ng pag-asa para sa kanilang kinabukasan. 
 
WATCH: Legendary Women, malapit na sa Heart of Asia!
 
Sa kanilang paglaya, magbubukas sila ng isang bakery. Sa pagsikat ng kanilang munting bakery, kakalabanin nila ang Shinhwa Group na isa sa mga malalaking baking chains sa Korea at mistulang may kinalaman sa pagkakakulong nilang apat. 
 
Ang Shinhwa Group ay pagmamay-ari ng pamilya ng yumaong asawa ni Colleen na si Robert. Dahil hindi sila boto rito, ginamit nila ang pagkamatay ni Robert para paratangan si Colleen ng embezzlement para mapatalsik na rin ito mula sa pamilya. Ang Shinhwa Group din ang tunay na nasa likod ng pagkamatay ng asawa ni Dulce, habang ang asawa naman ni Roxie ay namatay rin dahil sa pagtatrabaho sa kumpanya. Samantala, naging nobyo naman ni Cleo si Rodney, isa sa mga tagapagmana ng Shinwha Group. Nakulong siya dahil sa aksidente niyang pagsaksak dito. 
 
Paano nila sisingilin ang Shinhwa Group para sa kanilang mga kasalanan?
 
Abangan ang kuwento nila sa Legendary Women, magsisimula na sa August 31 sa natatanging Heart of Asia, GMA!