Celebrity Life

Regine Velasquez, nagbigay ng tips sa 'StarStruck' contestants

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang isa sa magiging hurado ng nalalapit na season ng StarStruck at ibinahagi niya sa Unang Hirit kung ano ang hinahanap niya sa mga artista hopefuls, “Sa opinyon ko, isa sa mga bagay na dapat mayroon ka ‘pag artista ka o para sumikat ka is ‘yung personality.”

READ: Regine Velasquez at Jennylyn Mercado, bagong judges ng 'StarStruck

Dagdag pa ng StarStruck judge "'Yung ‘pag nagsalita ka, ‘yung kinikilig ‘yung mga tao [at] natutuwa sila sa ‘yo kahit hindi ka naman masyado magaling magsalita pero endearing ka sa kanila, so I think I have to look for that also.”

Bukod sa kanyang bagong show, naghahanda na rin ang beteranang mang-aawit para sa kanyang concert sa November.

“’Yung mga songs na kakantahin ko ay galing lahat sa mga musicals. Hindi naman ako limited lang sa Broadway kasi madami namang mga local musicals na being produced right now at sobrang nagiging successful,” saad ng singer-actress.

READ: Ogie Alcasid dedicates new song to wife Regine Velasquez 

Ipinakita niya rin ang kanyang pagiging AlDub fan nang mag-post siya sa Instagram ng screen-captured na larawan ng Kalye-serye noong Sabado. Aniya, “I’m sure everyone’s watching!”

LOOK: Celebrity fans of AlDub