Showbiz News

LOOK: Ang pagbabagong anyo ni Ken Chan para sa 'Destiny Rose'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY AL KENDRICK NOGUERA, GMANetwork.com

Dahil sa nalalapit na pagganap niya bilang Destiny Rose, na-realize ni Kapuso actor Ken Chan na hindi pala madali ang maging isang babae.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ipinasilip ang transformation ni Ken para sa kanyang kakaibang role.

"Talagang pinili po kung ano ang perfect na buhok for her, kung ano ang perfect outfit, perfect makeup, lahat," kuwento niya.

Very supportive naman ang kanyang female co-stars na sina Katrina Halili, Sheena Halili at Manilyn Reynes.

May iminungkahi nga raw si Katrina sa young actor.

"Sabi namin, bumili siya ng waist trainer para mas lumiit ang waist niya, at saka 'yung tayo niya. Nakakatulong 'yun."

Si Sheena naman, tinutulungan si Ken sa paghahanap ng pegs. ""Iba 'yung pagiging Destiny Rose, 'di ba? So hinahanapan namin siya talaga ng babaeng puwede niyang i-peg."

"Sabi ko huwag siyang matakot. He should feel free to act kasi bibihira ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon," payo ni Manilyn.

Video Courtesy of GMA News