Showbiz News

CONFIRMED: AlDub, kasama sa MMFF movie nina Vic Sotto at Aiai Delas Alas

By CHERRY SUN



Kasama ang tambalang AlDub sa pelikula nina Bossing Vic Sotto at Aiai Delas Alas sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

“Yes, confirmed na confirmed,” pahayag ni Sunday PinaSaya host Aiai sa kanyang panayam sa PEP.ph.

READ: Aiai Delas Alas, sinusundan ang AlDub love story

Sina Alden Richards at Maine Mendoza, mas kilala bilang Yaya Dub, ay bahagi ng kanilang pelikulang Rom-comin Mo Ako.

Hindi pa man tiyak ni Aiai kung ano mismo ang role ng dalawang mas batang artista, ikinuwento naman niya, “Basta, parang kami ni Alden, tapos sila [Vic] at Yaya Dub.”

LOOK: Mga nakakakilig na love notes ni AlDub

Ayon pa rin sa PEP.ph, may contract si Alden for four years with APT Entertainment, isa sa producers ng naturang MMFF entry.

READ: AlDub, mapapanood na sa isang pelikula