Showbiz News

Jennylyn Mercado, nakakatanggap ng hate messages?

By CHERRY SUN

PHOTO BY MERYL LIGUNAS, GMANetwork.com
 
Tunay na effective ang pagbibigay-buhay ni Jennylyn Mercado sa kanyang character sa My Faithful Husband. Ang mga viewers kasi, nagpapadala ng mensahe sa kanya sa social media dahil sa sobrang pagiging affected.
 
Gumaganap si Jennylyn sa naturang soap bilang si Melanie na pagtataksilan si Emman, ang character na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.
 
Kuwento ng aktres sa 24 Oras, “’I hate you, Jen.’ Ganyan. ‘Bakit mo linoloko si Emman?’ ‘Yung mga ganun.”
 
Hindi man alam ni Jennylyn kung paano mag-react ay hindi naman niya ito pinepersonal.
 
“Hindi ko sinasagot eh, hindi ko rin alam sasabihin ko eh,” natatawa niyang sambit.
 
Sa katunayan, makikitang masaya rin si Jennylyn sa kung ano man ang namamagitan sa kanila ng kanyang leading man. Noong August 23 ay nakitang magkasamang nanood ng concert ni Ariana Grande sina Jennylyn at Dennis