Showbiz News

Aiai Delas Alas, proud na ibinahagi ang bagong balita kay Jiro Manio

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Aiai Delas Alas ang bagong balita sa kanyang itinuturing na anak-anakan na si Jiro Manio.

READ: Aiai Delas Alas, handang dalhin si Jiro Manio sa Japan para hanapin ang kanyang ama.
 
Aniya, "JIRO UPDATE-- ipapalabas magnifico sa facility nila and sa filmaking nila sya direktor... #proudmama"
 
 
LOOK: Jiro Manio, then and now 

Ang kapalitan ni Aiai ng mensahe ay ang doktor ni Jiro na si Dra. Bernadette Arcena. 
 
Kuwento ng doktor kay Aiai, may filmmaking activity sa kanilang facility at si Jiro ang tumayong direktor ng grupo. Ibinahagi rin ng doktora na ipapalabas sa facility ang 'Magnifico.' Ang Magnifico ang pelikulang ginawa ni Jiro kung saan siya ay kinilala sa kanyang kahusayan sa pag-arte.
 
Proud nanay naman ang Sunday PinaSaya host kay Jiro. 
 
"Wow pakisabi doktora proud ako sa kanya at natutuwa ako na ipapalabas magnifico"
 
READ: Jiro Manio, inaayos na ang kanyang passport papuntang Japan