Maine Mendoza, sinagot kung totoo bang nahuhulog na ang loob niya kay Alden Richards
Published On: August 27, 2015, 07:51 PM
Updated On: July 12, 2020, 10:46 PM
By AEDRIANNE ACAR
Pinag-usapan ang mga nakakakilig na eksena sa naganap na kalye-serye episode ng Eat Bulaga kaninang hapon (August 27). Dahil tinanong nang diretsahan ni Lola Nidora si Alden Richards kung seryoso ba siya kay Maine Mendoza.
Nag-tweet naman si Maine Mendoza sa kanyang mga followers para magbigay ng pahayag tungkol sa mga nangyari kanina sa Eat Bulaga.
Ayon kay Maine, “We are doing our best to make you guys laugh and kilig every single day! Kalma lang ha, wag tayo magmadali. Let's just enjoy the show!”
Matapos mai-post, mayroon na itong mahigit 20,000 likes. Nag-trending din muli ang AlDub ngayong araw. Ang hashtag na #HappyALDUBWeeksary, may over one million tweets.