Showbiz News

LOOK: Ang lumang resume ni Yaya Dub?

By CHERRY SUN
 
Kumakalat ngayon sa Internet ang isang tila lumang resume ni Maine Mendoza, na mas kilala ngayon bilang si Yaya Dub ng Eat Bulaga. Isang cute na litrato na kuha noong mas bata pa siya ang kalakip din nito.

Photo from PaperbugTV Facebook Page

Mababasa mula rito ang kanyang pagiging natural na komedyante.
 
WATCH: Ang kauna-unahang YouTube video ni Yaya Dub 
 
Aniya, iisa lang ang objective niya sa pag-apply ng trabaho gamit ang naturang resume. “To obtain a position that will enable me to use my strong powers and oozing appeal,” sulat ni Yaya Dub.
 
Kabilang sa kanyang professional profile ang pagiging open-minded at multi-tasker. Samantala, kasama sa kanyang experience ang kanyang galing sa larong Farmville at proficiency sa “Microsoft word, Microsoft excel, Window and doors.”

Kung sa inyo mag-a-apply si Maine o Yaya Dub, tatanggapin niyo ba siya mga Kapuso?