Showbiz News

Lovi Poe, dream role ang maging isang taong grasa

By CHERRY SUN
 
Kinakarir ni Lovi Poe ang kanyang pagganap bilang isang taong grasa sa Telebabad series na Beautiful Strangers. Pag-amin ng aktres, isa raw ito sa mga roles na gusto niya talagang masubukan.
 
“Isa ‘yun sa mga pinakapaborito kong ginawa ever sa buong career ko. Isa pala siyang dream role ko na hindi ko alam. Nung ginawa ko lang, doon ko na-realize,” ani Lovi sa panayam ng 24 Oras.
 
“Napakaganda, napakahusay ng mga writers namin kasi every week, talagang may twist,” dagdag pa niya.
 
At isa nga sa kapananabikan sa naturang palabas ay ang pagtatambal nina Heart Evangelista at Rocco Nacino.
 
“Usually mas sanay [ang] mga tao na kaming dalawa ni Rocco [magkapareha] pero eto nga ‘yung kakaiba d'yan, ‘yung best friend ko 'tsaka ‘yung boyfriend ko [ang mali-link ngayon sa show]. O, perfect ‘yung combination,” bahagi ni Lovi.
 
Kamusta naman kaya ang reaksyon niya sa kissing scene ng dalawang taong pinakamalapit sa kanya?
 
“Pinagtatawanan namin. Sabi nga ni Heart, pagka hinahalikan daw niya si Rocco, para na rin daw niya akong hinahalikan nun,” natatawang sagot nito.
 
Video courtesy of GMA News