Showbiz News

‘Sunday PinaSaya’ host Marian Rivera turned down offers for her baby to become a product endorser

By AEDRIANNE ACAR
 
Blooming ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa panayam sa kanya ni Jessica Soho kagabi.
 
Natanong si Marian sa mga sexy photos na ipinost niya sa Instagram na naka-bikini at proud na ipinakita ang kanyang baby bump.
 
 
 
 
 
LOOK: Dingdong Dantes and Marian Rivera's romantic Amanpulo trip 
 
DongYan goes back to their first island date to celebrate Marian Rivera's birthday 
 
Kuwento ng Sunday PinaSaya host sa Kapuso Mo, Jessica Soho, confident daw siya talaga na ipakita ang kanyang tiyan para din daw mabigyan ng update ang mga taong curious sa lagay niya habang nagbubuntis.
 
Saad ni Marian, ““Nung nagpunta kami ng Palawan ng asawa ko, sabi niya sa akin, alam mo baby malaki ‘yung tiyan mo ngayon. ‘Ah talaga? Sige picture tayo. Siguro ‘eto ‘yung tamang panahon para ma-ishare ko ‘yung kung gaano kalaki na ‘yung tiyan ko at kasama ko pa si Dong.”
 
No to endorsement deals for now
 
Sinagot din ng diretsahan Kapuso Primetime Queen ang tanong ng Kapuso anchor kung totoo ba ang mga bali-balita na pila na daw ang mga gusto na kuhanin ang kanilang baby girl ni Dingdong bilang endorser.
 
Paliwanag ni Marian na totoo daw na may mga lumapit na sa kanila para kunin ang kanilang anak sa mga projects, pero tumanggi daw muna siya dahil gusto daw niya ma-enjoy ang time kasama ang kanyang prinsesa.
 
Aniya, “To be honest po yes, pero ang sabi ko saka na lang mag-usap kapag nandiyan na kasi nandito pa lang ‘yung anak ko, parang oh sige kukunin ko yan pipirmahan. Ayoko po ng ganun, kumbaga enjoy ko muna, labas [ko] muna, pagusapan namin mag-asawa gagawin ba namin ‘to o hindi.”
 
Dagdag ng aktres, “Pero nakakatuwa  kasi ngayon pa lang parang na-excite sila na kunin ‘yung anak ko. So 'yun pa lang, parang wow, proud na proud na ako.”
Ready na din daw si Marian kung saka-sakali na masundan agad ang kanyang panganay dahil gusto daw talaga niya ng maraming anak, tipong kasing rami daw ng isang basketball team, pagbibiro ng aktres. 
 
“Kasi pangarap ko po talagang magkaroon ng anak, kasi solong anak lang ako. Sabi ko mangangarap na ako Lord dadamihan ko na po sila, pagkatapos po nito bigyan niyo pa ako.”
 
“Hanggang kaya po namin pero sana mga apat [o] lima. Pero lagi kong joke basketball team. Why not!”
 
LOOK: 9 funniest celebrity moms