Showbiz News

Dingdong at ibang Kapuso leading men, hindi threatened sa kasikatan ni Alden

By MARY LOUISE LIGUNAS
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Hindi mapagkakaila na buong bayan ang tumututok sa 'Kalye-serye' ng Eat Bulaga, tampok ang Dubsmash Queen ng Pilipinas na si Maine Mendoza, at ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards.

READ: AlDub, magkaka-movie na
 
Sa press conference ng bagong season ng StarStruck kahapon, ipinahayag ng Kapuso leading men at StarStruck hosts na sina Dingdong Dantes, Mark Herras, Rocco Nacino, at Miguel Tanfelix na proud sila sa kasikatang kasalukuyang natatamo ni Alden. Itinanggi nila na may inggit silang nararamdaman at lininaw na hindi sila na-te-threaten sa estado ng kanyang career.
 
Masaya si StarStruck season one Ultimate Male Survivor na si Mark para sa kanyang kapitbahay at mabuting kaibigan.
 
“Kahit sino po yung nasa harapan ko [o] nasa likod ko na umabante o [mas] sumikat sa ‘kin, ako I’m happy dahil gusto ko lahat makuha lahat...Si Alden kasi, napaka-down to earth na tao yan. Napakabait na tao nyan si Alden Richards, and alam ko [na] 'yung nangyayari sa kanya, dahil 'yan sa kanyang ugali na napakabait. Bine-bless lang siya ni Lord,” sabi ni Mark.

READ: Kapuso celebrities, proud sa success ni Alden
 
Para naman kay Rocco na prinoklamang Second Prince ng StarStruck season five, lahat sila ay may kanya-kanyang direksyon na tinatahak, at dumating na ang tamang panahon para sa career ni Alden.
 
“Alden is a great guy. Sobrang magalang siya…You never know when it’ll come eh… So I’m just really happy for him na it was through [Eat Bulaga] na nag-peak lalo 'yung career niya… Sa ‘min naman, kanya kanya kaming paths. Tamang timing lang. Ang importante lang [ay] lagi kaming masaya para sa isa’t-isa and we’re really happy for Alden,” pahayag ni Rocco.
 
Inamin naman ni StarStruck Kids Second Prince na si Miguel na iniidolo niya si Alden at tinitingala bilang inspirasyon para maging mas mabuting artista.
 
“Isa [si Kuya Alden] sa mga idol ko at na-i-inspire niya ko bilang artista. [Napakamapagkumbaba niya at nakaka-motivate. Natututunan kong] maging down to earth kasi hindi mo alam kung ano pwedeng mangyari sa career mo o sa buhay mo,” aniya.
 
Isa sa mga tagahanga ni Alden ay si Dingdong na mismong nakita ang sipag nito.
 
“Luck always favors the prepared and I think his time has really come. He has prepared all these years, and I’ve worked with him in My Beloved. Nakita ko talaga ang kanyang dedication… At the end of the day, we are all part of GMA and we are so proud that he is with us. Lahat tayo dito ay team players and personally, I’m here to support whatever his endeavors would be,” saad ni Dingdong.

READ: AlDub breaks local Twitter record
 
Inihantulad niya ang sitwasyon sa parating na StarStruck season kung saan tutulungan nila ang mga contestants.
 
“Just like [in] StarStruck, binibigyan natin ng opportunity ang mga bagong hopefuls, mga bagong artista na sumunod sa yakap ng mga good examples kagaya ni Alden…Gagawin natin lahat dito para ma-ensure na pagkalabas nila sa show na ‘to, makakamit nila mga pangarap nila,” dagdag ng Primetime King.