Showbiz News

‘StarStruck’ alum Mike Tan and his love affair with swimming

By AEDRIANNE ACAR
 
Isa sa sport na sumisikat ngayon sa bansa ang aquathlon. At isa sa mga celebrities na nahihilig sa naturang sport ang StarStruck hunk na si Mike Tan.
 
Sa panayam sa kanya ng Balitanghali, nagkuwento ang Kapuso actor kung bakit challenging ang pagsali sa aquathlon. 
 

LOOK: Meet the hot guys of  StarStruck
 
Ayon kay Mike, “First time kong sumali sa aquathlon. Nag-prepare talaga ako para dito pero sa takbo hindi masyado. Mas nagprepare ako sa swimming.”
 
“Sa aquathlon naman basta may training ka, hindi ka mahihirapan. Ang pinakamahirap kasi dito ‘yung swimming. Sa running naman, siguro foundation na rin, kasi before ako mag-gym, ‘yung warm-up ko talaga running.”
 
Hindi daw marunong lumangoy si Mike noon, pero sa tulong ng "determination at lakas ng loob" ay nadevelop ang swimming skills niya. 
 
Dagdag pa ng versatile actor, lumalabas daw ang competitive spirit niya sa pagsali sa mga kumpetisyon.
 
“Ang ganda lang kasing workout, full body workout lagi tapos iba ‘yung fulfilment kasi hindi lahat nakakalangoy. Lumalabas ‘yung pagiging competitive ko rito.”