Showbiz News

Jaclyn Jose, nakakaramdam pa rin ng first taping day jitters

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kilala man siya bilang magaling na artista at effective na kontrabida, nakakaramdam pa rin daw ng jitters si Jaclyn Jose sa tuwing magsisimula siyang mag-taping.
 
WATCH: Jaclyn Jose delivers memorable kontrabida lines 
 
"Sa akin kasi, kapag first taping day, laging may first day jitters eh. Talagang in any of my [projects], kapag sa first day ay nerbiyos 'yan. Hindi ko pa nakakapa 'yan. Usually nakukuha ko 'yan on the second, third, or fourth taping," kuwento ni Jaclyn sa GMANetwork.com. Gumaganap siya ngayon bilang si Angelika Santibañez sa primetime series na Marimar.
 
READ: #Marimar2015 tops Twitter PH trends list on its first day 
 
Sa kanyang pagbibigay buhay sa isa sa mga pinakanakakainis na kontrabida, una daw niyang pinaghandaan ang magiging itsura ng character.
 
"Hindi ko pa siya masyadong pulido but I'm working on it. Ang look na muna ang inayos ko. I have to look stupid, 'yung ganyan. Maldita na ano. Kasi she's not naman talagang rich eh, nagyayaman-yamanan lang.  Hindi na nga totoong mayaman, salbahe pa. Gusto niya ang anak niya ang para kay Sergio, hindi si Marimar. So, inaapi niya si Marimar."
 
Nakatulong din daw na kakilala na niya ang kanyang mga katrabaho sa pagbuo niya ng character ni Angelika.
 
LOOK: The official cast photos of Marimar 
 
"Si Direk Dom, I've worked with him sa Carmela, so kilala ko na siya. Alam ko na 'yung style niya, 'yung gusto niya. Alam ko kung papaano siya mag-work, so medyo hindi na tayo mahirap doon. I know Megan and Lauren through my daughter, kay Andi. Nakikita ko sila sa bahay or nagha-hangout sila. I know these kids, before she [Megan] became a world titlist. Si Megan is so willing in getting into the character of Marimar, 'yun ang nakikita ko sa kanya."