Showbiz News

Solenn Heussaff at Iya Villania, hindi maaarte kaya nag-click as friends

By ANN CHARMAINE AQUINO


 
Ibinahagi nina Solenn Heussaff at Iya Villania ang kanilang secret kung bakit sila nag-click bilang hosts ng Taste Buddies at bilang friends in real life. 
 
Bago magtapos ang taong 2014 nang tanggapin ni Iya ang hosting job sa Taste Buddies at simula noon, naging mabuti na silang magkaibigan ni Solenn. 
 
Kuwento ni Solenn, "Feeling ko kasi baliw siya. Ayoko 'yung taong masyadong serious sa buhay."
 
Natatawa namang ibinahagi ni Iya na mabilis mahawa si Solenn sa kanyang kakulitan. Dagdag pa niya, "It's that or magaling siyang magpanggap. Or magaling siyang mag-pretend na okay kami."
 
Ayon kay Iya, ang unang pagkakataong na-feel nilang awkward sila sa isa't-isa ni Solenn ay noong pictorial lamang.
 
LOOK: Iya and Solenn's first shoot together
 
"'Yung pictorial kasi, hindi pa kami nag-shoot ng episode. But in the pictorial, we have to look like we're bestfriends. May yakap, may hawak dito, tapos magkadikit 'yung mukha namin." pahayag ni Iya.
 
Inamin ng dalawa na ngayon ay super close na nila kahit behind the camera. 
 
Pahayag ni Iya, "We're both not maarte, we both enjoy keeping fit, we both enjoy eating."