Showbiz News

Rocco Nacino, may inaabangang eksena sa 'Beautiful Strangers'

By MARAH RUIZ

 
Nakahanap na ng bagong pag-ibig ang karakter ni Rocco Nacino na si Noel kay Kristine, na ginaganapan naman ni Heart Evangelista sa Beautiful Strangers.
 
Mas madalas nang nakangiti ang si Noel; ngunit ayon kay Rocco, hindi pa tapos ang paghihirap ng kanyang karaketer. Sa katunayan, may hinihintay siyang mga parating na eksena na magbibigay ng bagong direksyon sa kuwento.
 
READ: Rocco recalls his StarStruck days
 
"Ang pinaka-inaabangan ko, which I know I will remember, is when nagkalantaran na. I'm excited for it!" ani Rocco.
 
Ang eksenang tinutukoy niya ay ang kasal nina Joyce at Lawrence kung saan ilang mga sikreto ang mabubunyag. 
 
"I'm excited for that scene where everyone [is involved in] a very, very intense emotion and conflict—and kung paano aayusin yung conflict na 'yun," pagpapatuloy nito. 
 
READ: The song that makes Rocco cry
 
Minsan nang inamin ni Rocco na may isang kantang nakakapagpababaw ng kanyang luha. Bukod dito, meron pa ba siyang ibang pinaghuhugtuan?
 
"Just thinking of losing Lovi (Poe) was enough motivation. Nakatulong na we're a couple talaga. Nakatulong siya sa eksena," ayon dito.
 
Abangan ang pagpapatuloy ng kuwento ng Beautiful Strangers, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Marimar sa GMA Telebabad.