Showbiz News

Ayen Munji-Laurel on her co-actors in 'Beautiful Strangers': No star complex

By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Talagang napakabigat ng mga emosyong kailangan sa mga eksena ng Beautiful Strangers, buti na lang magaan ang atmosphere sa set ayon kay Ayen Munji-Laurel. 
 
"I like it. It's very professional. You learn from each other as well. You can't be pataasan and all, no star complex or anything. I don't see anything like that," kuwento ni Ayen. 
 
READ: Ayen Munji-Laurel talks about dog mauling scene
 
Unti-unti silang nagkakakilala sa bawat eksenang pinagsasamahan nila kaya parang pamilya na raw ang turing nila sa isa't isa. 
 
"We have to work together because there's so many scenes na kahit apat lang kayo, you have to, more or less, be familiar with each other. It's developing, 'yung relationship with each other," ayon sa kanya. 
 
Natutuwa rin siyang makatrabaho sina Christopher de Leon at Dina Bonnevie. 
 
"For the first time, we're working with Ms. Dina, si Kuya Boyet. Iba din 'yung challenge noon. You look up to these people so it's very inspiring," paliwanag niya. 
 
'Refreshing' naman daw na makasama ang mga talented young actors kagaya nina Heart Evangelista at Lovi Poe. 
 
"Minsan kasama ko sila sa tent. I feel so young!" biro nito. 
 
WATCH: What is the best revenge for the cast of 'Beautiful Strangers?' 
 
Sigurado naman si Ayen na lalo pang bubuti ang pagkakakilala ng cast sa isa't isa. 
 
"I'm pretty much excited on how the relationship with each other will develop beacuase lagi kaming magkasama," pagtatapos nito. 
 
Abangan din ang pagbabago ng mga relasyon ng mga karakter sa lalong umiinit na mg eksena ng Beautiful Strangers, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Marimar sa GMA Telebabad.