Showbiz News

Aiai Delas Alas, sa Japan ang pa-thanksgiving para sa staff

By MARAH RUIZ

 
Sunod-sunod ang blessing para sa Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas. Namamayagpag sa ratings ang pinagbibidahan niyang comedy variety show na Sunday PinaSaya at meron pa siyang upcoming comedy talk show, ang CelebriTV kung saan makakasama niya ang Henyo Master na si Joey de Leon at veteran showbiz insider na si Lolit Solis. 
 
WATCH: Word association with Aiai Delas Alas sa 'Startalk'
 
Kaya naman para i-celebrate and 25 years niya sa industriya, may pa-blowout siya sa kanyang staff. At hindi basta basta ang kanyang treat! Dadalhin niya sa Japan para sa isang maikling bakasyon ang mga taong nakatrabaho niya bilang pasasalamat sa pagtulong ng mga ito sa kanyang career. 
 
"May pa-thanksgiving ako sa mga tao ko. Lahat—'yung glam team ko, photographer, makeup artist, stylist. [Ang] anak ko kasama [din]. Sino pa ba? 'Yung mga kasama ko for the longest time, kasama ko up and down, 'yun 'yung mga ka-join ko sa Japan," kuwento ni Aiai sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
 
READ: Aiai Delas Alas proud na ibinahagi ang bagong balita kay Jiro Manio 
 
Kasalukuyang nasa Amerika si Aiai para bisitahin ang kanyang pamilya at para sa Kapusong Pinoy New York concert ng GMA Pinoy TV. Babalik naman siya sa Pilipinas para sa ilang showbiz commitments bago lumipad patunong Japan sa September 10 kasama ang kanyang staff. 
 
Abangan ang mga pakulong dala ni Aiai sa nalalapit na pagsisimula ng CelebriTV, malapit na sa GMA!