Showbiz News

Nora Aunor, proud sa tagumpay ni Alden Richards

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Nanghihinayang si Superstar Nora Aunor dahil hindi napabilang sa Metro Manila Film Festival ang kanyang independent film na ‘Kabisera.’
 
Wika niya sa panayam ng 24 Oras, “Sayang kasi talagang ang intention nito ay mapasali sa Metro Manila Film Festival. Sana may awa ang Diyos na magkaroon ng himala na mapasali sa Metro Manila Film Festival.”
 
Noong nakaraang taon ay nakasama ni Ate Guy si Alden Richards sa kanilang indie short film na ‘Kinabukasan.’ Aniya, hanga siya sa kabaitan nito. Natutuwa rin siya sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng aktor na itinuturing na rin niyang anak.
 
Payo ni Ate Guy, “'Wag kang magbabago. Kung ano ka noong araw na nakilala ka ng tao lalong lalo na ng mga fans mo, ganoon ka pa rin dapat ngayon. Mahalin mo ‘yung mga taong nagmamahal sa ’yo.”
 
Video courtesy of GMA News