Showbiz News

Miguel Tanfelix, naglaro lang daw noon sa 'StarStruck Kids'

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Five years old pa lang si Miguel Tanfelix nang siya’y sumali ng StarStruck Kids. Ayon sa Second Prince ng pambatang reality-based artista search, punong puno ng magagandang memories ang kanyang naging experience.
 
“Parang naglalaro lang po ako the entire time,” pag-alala niya.
 
Gayunpaman, sa tingin ni Miguel ay marami siyang natutunan mula sa kanyang pagsali kahit nasa murang edad pa lamang siya noon.
 
“Dumaan ako sa mga challenges, 'yung tanggalan [na] nakakakaba,” dagdag ng Kapuso cutie.
 
Para kay Miguel, exciting makasama sa bagong season bilang journey host dahil gusto niyang makita ang pinagdadaanan ng isang artista hopeful ngayong mas matanda na siya.
 
“Dito ko mawi-witness kung paano talaga ginagawa 'yung StarStruck. Kasi noong time namin, 'yun nga, hindi pa ko masyadong gising [o] masyadong mulat,” patawa niyang kinuwento.
 
Excited na rin siyang makilala ang mga contestants dahil marami siyang pinagdaanan na mararanasan din nila, at masaya siyang lalaki pa raw ang pamilya ng StarStruck.
 
“Masarap sa feeling kasi 'yung [stage] eleven years [ago], same stage 'yun [na tutungtungan nila]. Same stage [rin] na tinapakan ko [noon pero ngayon, babalik ako], hindi bilang contestant, kundi bilang nagho-host… [At] masarap 'yung pakiramdam na madadagdagan 'yung kapatid namin and mawi-witness ko kung ano 'yung mga pinagdaanan [ko] before, [at makikita] kung ano 'yung nararamdaman nila,” aniya.

LOOK: 'StarStruck' kid Miguel Tanfelix: Then and Now