Showbiz News

Ken Chan, inaming malaki ang naitulong ng teatro sa kanyang showbiz career

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Marami ang hindi nakakaalam na nanggaling sa mundo ng teatro si Healing Hearts star Ken Chan na siyang gaganap bilang Destiny Rose sa upcoming Afternoon Prime soap na magsisimula sa September 14.
 
LOOK: Ang pagbabagong anyo ni Ken Chan para sa 'Destiny Rose'
 
Ayon kay Ken, estudyante pa lamang siya ay sumasabak na siya sa theater stage at nagkaroon din siya ng chance noon na makatrabaho ang kapwa Kapuso star na si Glaiza de Castro. "Actually nag-stage play ako kasama ko si Glaiza. Rose for Emily 'yung play namin," saad niya.
 
A first look at the cast of 'Destiny Rose'
 
Naging tulay din daw ang teatro kay Ken para makamit ang inaasam-asam na showbiz career. Aniya, "'Yon ang nag-introduce sa 'kin para magkaroon ng commercial then after commercial, naging stepping stone ko 'yung TVC para pumasok sa showbiz."
 
Ikinuwento ni Ken ang adjustments na ginawa niya noong pumasok siya sa telebisyon. "Ang unang ginawa ko rito sa GMA [ay] 'yung Tween Hearts kay Direk Gina Alajar. Sabi sa 'kin ni Direk Gina, Anak, nagta-teatro ka ano? Kasi napakalawak ng kilos mo, hindi pang-TV. Nawawala yata ako sa frame sa sobrang lawak ng kilos ko sa TV noon," bahagi niya.
 
Nahasa na raw nang husto ang acting skills ni Ken sa teatro kaya't naging madali na sa kanya ang pag-arte sa TV. Saad niya, "Nakatulong sa 'kin 'yung theater dahil mas madaling magbawas kaysa sa magdagdag ng acting."