Showbiz News

Tuloy ang mga adventures ni Goku sa 'Dragon Ball Z'

By MARAH RUIZ 



Isang bagong hamon ang haharapin ni Goku—ang maging isang ama sa anak niyang si Gohan. 
 
Ngunit sa kabila nito, wala pa rin siyang sawa sa pagtatanggol sa planetang Earth. Kasama ang kaniyang mga kaibigang sina Krillin, Yamcha, Tien at Piccolo, haharapin nila ang mga bagong pagsubok at banta sa mundo. 
 
Kinalaunan, lalaki si Gohan at magiging isang magaling na madirigma katulad ng kanyang ama. 
 
Tunghayan ang mga ito sa Dragon Ball Z, simula September 7, pagkatapos ng Toriko, sa nangunguna at nag-iisang astig tuwing umaga, GMA Astig Authority!