Showbiz News

Angelu de Leon, pinayagang mag-artista ng ama bago ito binawian ng buhay

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

"Tumatakas ako sa Daddy ko kasi ayaw niya akong mag-artista," bahagi ni Angelu de Leon.
 
Kuwento ng Buena Familia star, noong nag-uumpisa pa lamang siya sa showbiz ay hindi talaga sang-ayon ang kanyang namayapang ama sa pagpasok niya sa industriya.
 
Na-discover daw si Angelu ng direktor na si Johnny Manahan noong 12 years old pa lamang siya. "Nag-Ober Da Bakod ako dahil I signed up with Viva. Then TGIS tapos dire-diretso na 'yon sa Ikaw Na Sana," saad niya.   
 
READ: Bobby Andrews at Angelu de Leon, aksidente ang pagiging love team tulad ng #AlDub
 
Ayon kay Angelu, dahil bata pa siya noon ay tanging ang kanyang ina lang daw ang pumayag na mag-artista siya. "Ayaw niya [ama ni Aangelu] talaga pero 'yung Mommy ko ay supportive. Nagulat na lang siya [noong nakita niya ako sa TV]," pahayag niya.
 
Inalala ni Angelu ang mga huling araw ng kanyang ama kung kailan siya pinayagang mag-artista. Aniya, "Nakakalungkot lang kasi noong nakita niya na ako sa TV sa first commercial ko, nasa ospital na siya. Noong nakita niya 'yon, three days bago siya mawala [ay] pinayagan na niya ako na mag-artista."
 
"Pumayag naman, may blessing naman kaya siguro na-bless 'yung pagiging artista ko kaya until now nandito pa ako," pagtatapos ni Angelu.