Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference

Ipinakilala na ang stellar cast na bubuo sa upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance sa naganap na story conference nitong Linggo, September 18.
Ang nasabing serye ay kilala rin bilang Brilliant Legacy na napanood sa GMA noong 2009.
Ang Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.
Makakasama rin sa stellar cast ng serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.
Silipin ang naganap na story conference ng Shining Inheritance sa gallery na ito.












