Showbiz News

Jennylyn Mercado reveals her favorite movie leading man

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sa tatlong leading men ni Jennylyn Mercado sa kanyang mga ginagawang pelikula, si Derek Ramsay na nakatambal niya sa box office hit na English Only, Please ang kanyang pinaka paborito.
 
READ: Derek Ramsay believes Jennylyn Mercado is a star 
 
"Iba talaga eh, since day 1. Siguro 'yung foundation namin, [tapos] hanggang ngayon nagkakausap pa rin kami. Iba talaga, masaya talaga 'yung pakiramdam," pahayag ni Jen nang dalawin ng bloggers ang set ng My Faithful Husband kamakailan.
 
Bukod sa primetime series na pinagbibidahan nila ni Dennis Trillo, abala rin ang 2014 MMFF Best Actress sa pelikula nila ng Kapamilya actor na si Sam Milby na The Prenup. Makakatambal naman niya si JM de Guzman sa Walang Forever na entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Naikuwento rin ni Jennylyn na pinaghahandaan na rin niya ang English Only, Please 2 na kukunan sa Barcelona.
 
Pero aniya, maganda rin naman ang samahan nila nina Sam at JM.
 
"'Yun nga ang secret namin eh, 'yung magandang friendship, magandang simula. Kapag maganda ang simula niyo, dire-diretso na 'yun. Kay Sam ganun din, maganda rin ang simula namin. Si JM fun naman din."
 
Nakapag-shoot na raw sila ng trailer para sa Walang Forever, at siguradong matutuwa ang mga makakapanood nito.
 
"Nakapag-shoot na kami ng trailer. Magugustuhan niyo ang trailer, [kasi] may mga unexpected [na mangyayari]. Bigla na lang may mga unexpected people na lalabas."
 
Bilang si Dennis naman ang leading man niya sa telebisyon, tinanong din si Jen kung ano naman ang gusto niya sa ex-boyfriend as a co-actor.
 
READ: Dennis and Jennylyn, magkasamang nag-dive sa Anilao, Batangas 
 
"Simple lang siya, 'yung tahimik. Tahimik lang, pero kapag umarte na, kailangan ma-pressure ka. Parang si JM, ganun. 'Yung kapag tumuntong siya sa set, matatakot ka kasi intimidating. Kailangan ko mag-double ng effort kasi ang gagaling nila."