Showbiz News

'My Faithful Husband' stars, nagkasakitan sa mga eksena

By MARAH RUIZ

 
Pisikal ang naging manipestasyon ng mga marurubdob na emosyon ng mga tauhan sa GMA Telebabad series na My Faithful Husband.
 
Susugurin ni Mercedes (Snooky Serna) si Mel (Jennylyn Mercado) nang malaman niya ang pagtataksil nito sa anak niyang si Emman (Dennis Trillo). 
 
Sampal, sabunot, at punit na damit ang aabutin ni Mel sa kanyang biyenan.
 
WATCH: Ang buwelta ni Mercedes
 
"Si Ms. Snooky, napakagaling an artista. Talagang madadala ka eh! Feel na feel ko kasi kailangan gawin namin ng totoo kasi kung hindi lalabas na mukha talagang peke," kuwento ni Jennylyn sa 24 Oras tungkol sa nasabing eksena. 
 
Nang mabalitaan naman ni Carmen (Rio Locsin) ang inabot ng anak sa kanyang balae, kukumpruntahin niya ito. Ngunit imbis na maayos na usapan, nagkapisikalan din ang dalawa. 
 
Ayon kina Rio at Snooky, pareho silang nasaktan sa eksena. Panay naman ang hingi ng tawad nila sa isa't isa nang matapos ang take. 
 
"Nakakita ako ng stars [at] moon. Medyo talagang ito po 'yung masasabi kong 'wag niyo pong tutularan," biro ni Snooky. 
 
WATCH: Battle of the Balaes
 
Ayon naman kay Jennylyn, hindi naman daw maiiwasang masaktan sa larangan ng pag-arte kaya masaya siya na mayroon siyang maayos na pakikitungo sa kanyang mga katrabaho. 
 
"Thankful kami na napakagaling ng direktor namin. 'Yung mga co-actors, talagang tulungan at kumportable kami sa isa't isa at merong foundation," bahagi nito. 
 
Abangan sina Jennylyn, Snooky, at Rio sa My Faithful Husband, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Beautiful Strangers.