advertisement
Showbiz News

Elijah Alejo, Niño Muhlach at ilang Kapuso stars nakisaya sa isang charity event for the elderly

1 of 11

Keisha Serna

Isa sa mga dumalo sa charity event ng Kapuso Brigade ang pretty and talented na Sparkle Teens star na si Keisha Serna.

2 of 11

Patricia Coma

Masaya ring dumalo nitong September 30 sa Little Sisters of the Abandoned Elderly sa San Juan City ang beautiful at energetic Sparkle star na si Patricia Coma.

3 of 11

With the Lolas

Nagbigay sina Patricia at Keisha ng masayang performance sa mga lola at nakipag-selfie pa sila bilang pag-alala sa araw na ito.

advertisement
4 of 11

Niño Muhlach

Inabangan naman ng mga lola ang pagbisita ni Niño Muhlach sa Kapuso Brigade charity event.

5 of 11

Regalo

Bukod sa pag-perform at pakikipagkuwentuhan sa mga lola, namigay pa si Niño ng regalo niyang mga ensaymada.

6 of 11

Papa Dudut

Handog naman ng Barangay LS 97.1 DJ na si Papa Dudut ang lunch mula sa kaniyang food business.

advertisement
7 of 11

Visit

Nangako si Niño na siya ay babalik sa Pasko at isasam niya ang mga anak na sina Sandro at Alonzo Muhlach.

8 of 11

Smiles

Ayon kina Patricia at Keisha, masaya silang nakita nila ang mga ngiti ng mga lola sa kanilang pagbisita. Ilan sa kanila ay nakisayaw pa sa Sparkle stars.

9 of 11

Time

Kuwento pa ni Niño, nagbibigay siya ng oras para makapagbigay saya at tulong sa kapwa.

"Lahat ng pagkakataon basta makakatulong tayo, or makakapagbigay tayo ng kasiyahan, talagang I make sure na pinupuntahan ko 'yung mga 'yun."

advertisement
10 of 11

Elijah Alejo

Nakasama rin nila sa araw na ito ang Sparkle artist na si Elijah Alejo. Kitang kita ang mga ngiti ng mga lola nang siya ay magpakilala.

11 of 11

Performance

Nakisayaw ang mga lola sa performance ni Elijah at mayroon ring naka-duet sa isang song number ng young actress.