Showbiz News

Mapapaniwala kang muli sa forever sa pagbabalik nina Jodi at Cholo ng 'Stairway To Heaven'

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Sino ang makalilimot sa napakagandang love story nina Jodi at Cholo? Simula ngayong September 28, muli kayong pakikiligin at paiiyakin ng nagbabalik na love team ng Stairway To Heaven sa GMA Heart of Asia Mornings.
 
 
Bata pa lamang ay itinadhana na sina Jodi (Choi Ji-woo) at Cholo (Kwon Sang-woo) sa isa't isa. Sabay silang lumaki at nangako sa isa't isa na sila ang magkakatuluyan. Sa kanilang pagtanda, haharapin nila ang mga pagsubok na darating sa kanilang pag-iibigan. 
 
Mahihiwalay si Cholo kay Jodi dahil itutuloy niya ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa. Isa namang aksidente ang bubura sa alaala ni Jodi tungkol kay Cholo dahilan upang maudlot ang kanilang pagmamahalan.
 
Paano muling pagtatagpuin ng tadhana sina Jodi at Cholo? Abangan ang pagbabalik ng classic Koreanovela na Stairway To Heaven simula September 28 pagkatapos ng Knockout sa GMA Heart of Asia Mornings.