Showbiz News

Mga Kapuso stars, napapansin ang kakaibang ngiti ngayon ni Alden Richards

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
  
Marami ang nagtataka kung nauuwi na ba sa totohan ang palitan ng mensahe nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa kalye-serye ng Eat Bulaga dahil mukhang iba na raw ang pinapakita ng dalawa.
 
Napapansin ng ilang Kapuso stars na palaging masaya ang 'That’s My Bae' host. “Iba ‘yung smile niya ngayon compared noon, parang lagi siyang inspired. Lagi siyang nakangiti [at] lagi naka-smile ang eyes niya ngayon. Kahit hindi niya sabihin, feeling ko gusto niya na talaga si Yaya Dub,” saad ng Bubble Shaker member na si Arny Ross.
 
LOOK: Celebrity fans of AlDub 
 
Sa report naman ng Unang Hirit, inamin ng Destiny Rose star na si Sheena Halili na gwapong-gwapo rin siya sa aktor. Sambit niya, “Mas naging binata siya ngayon kaya nakakakilig talaga siya kapag ngumiti na siya [na labas ang dimples at naka-pabebe wave]. Grabe, sobrang gwapo ni Alden ngayon! Hihintayin ko ang Alden Richards ko. Dapat hintayin mo ‘yan para pagdating niya, worth it.”
 
Walang pinagbago si Alden kaya hanga ang mga aktres sa kanya, “Ang bait, bait niya [at] ang humble-humble niya. Ganun pa rin siya,” saad ni Arny habang sinabi naman ng Bubble Gang actress na si Jackie Rice, “Actually, number one kabaitan niya. [Bago] sila kumain sa long table, nagmano pa siya sa [mga] magulang ni Maine. Pusong Pinoy talaga!”
 
READ: Kapuso celebrities, proud sa success ni Alden Richards 
 
Matagal-tagal rin bago sumikat nang husto ang binata kaya saad ng Buena Familia star na si Kylie Padilla, “Sobrang saya ako para sa kanya pero siyempre hindi ko pinapakita sa kanya ‘yun kasi ayaw ko naman isipin niya, ‘Ay! Biglang nabago.’ Ganun pa rin ako sa kanya [kung] paano ko siya tratuhin before nung magkasama kami sa 'Ilustrado' and everything. [I’m] just happy for him.”
 
Inamin pa ng mga Kapuso artists na tutok na tutok sila sa nakakakilig na tambalan ng AlDub. Dagdag pa ni Kylie, “Sobrang sumisigaw, para akong baliw ‘pag nanunuod ako kasi ang cute ni Yaya Dub eh, parang ganun talaga kapag kinikilig ang babae.”
 
Saad naman ni Jackie, “Gustong-gusto ko kasi iba eh. Natural na natural at iba ‘yung nagbibigay sila ng kasiyahan sa ibang tao so kung may time talaga ako, nanunuod ako ng Eat Bulaga.”
 
LOOK: Celebrities na certified AlDubarkads