advertisement
Showbiz News

Witty and clever costumes at the Sparkle Spell 2023

1 of 10

Sassa Gurl

Pinaaga ng social media personality na si Sassa Gurl ang Undas sa kaniyang costume sa Sparkle Spell 2023. Suot ni Sassa ang kaniyang kakaibang outfit na inspired ng isang funeral flower standee na may malalaking ribbon at nakasulat na “Condolences” at “From: Congressman.” Matatandaan na nag-viral din ang outfit ni Sassa sa nasabing event noong nakaraang taon nang maglakad siya sa black carpet bilang isang online seller.

2 of 10

Kokoy De Santos 

Kakaiba rin ang inspirasyon ng Halloween costume ng versatile actor na si Kokoy De Santos kung saan ginaya niya ang singer na si The Weekend suot ang iconic outfit nito sa Super Bowl 2021.

3 of 10

Gaea Mischa

Marami rin ang natuwa sa isinuot na costume ng Sparkle Teen na si Gaea Mischa na inspired sa National Costume noon ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

advertisement
4 of 10

Ice Arago

Tila napadaan lang sa kanto na may inuman session naman ang peg ng social media personality na si Ice Arago. Nakasuot si Ice ng isang simpleng T-shirt at shorts, dala ang kunwaring beer at pulutan na kropek.

5 of 10

Nikki Co

Nagdala naman ng sarili niyang baby dinosaur ang Kapuso actor na si Nikki Co sa kaniyang napiling Halloween costume.

6 of 10

Pipay

Nagmistulang live tarpaulin ng isang kumakandidatong Barangay Kagawad ang naging costume ng social media star na si Pipay nang rumampa siya sa Sparkle Spell 2023.

advertisement
7 of 10

XOXO

“Women In Black” na inspired sa Men In Black naman ang naging peg ng outfit ng grupong XOXO na sina Riel Lomadilla, Dani Ozaraga, Mel Caluag, at Lyra Micolob.

8 of 10

Rodjun Cruz and Chef Jose Sarasola

Enjoy na enjoy ng Kapuso hunks na sina Rodjun Cruz at Chef Jose Sarasola ang kanilang Halloween costume bilang sina Mario and Luigi.

9 of 10

Matt Lozano and Raphael Landicho

Very cute naman sina Matt Lozano at Raphael Landicho sa kanilang Sparkle Spell outfit bilang sina Tweedledee and Tweedledum ng Alice in Wonderland.

advertisement
10 of 10

Mikee Quintos

Bumagay naman sa Kapuso actress na si Mikee Quintos ang kaniyang napiling Halloween outfit bilang si Hannah Montana.