Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian, emosyonal sa pagsasama-sama bilang mga bagong Sang'gre

Hindi napigilan nina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian na maging emosyonal sa kanilang pagsasama-sama bilang bagong henerasyon ng mga Sang'gre.
Sa video na ibinahagi ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, naging emosyunal ang apat matapos subukan sa unang pagkakataon ang sabay-sabay na paglabas ng kanilang mga brilyante.
Pangangalagaan ni Bianca ang Brilyante ng Lupa, habang ang magmamana naman ng Brilyante ng Apoy ay si Faith, Brilyante ng Tubig si Kelvin, at Brilyante ng Hangin si Angel.
Ngayon pa lamang ay nagsisimula na ang paghahanda nina Bianca, Faith, Kelvin, at Angel para sa Sang'gre. Pinag-aaralan na rin nila ang lenggwaheng Enchan ng Encantadia.
Ang Sang'gre ay continuation ng iconic telefantasya ng GMA na Encantadia.
Tingnan ang pagsama-sama ng bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian sa gallery na ito:









