Showbiz News

Certified rider Aljur Abrenica at mga nakaka-intrigang 'Pocket Bikes' tampok sa 'Motorcycle Diaries'!

Matipuno, makisig, at talaga namang nakakikilig. Sino ba ang babaeng hindi mapapalingon sa tinaguriang makabagong “Machete,” Starstruck Season 4 Ultimate Male Survivor at Kapuso Hunk na si Aljur Abrenica? Pero lingid sa karamihan, isa rin palang certified rider at motorcycle enthusiast si Aljur! 

 
Ngayong Huwebes makakasama ni Jay Taruc sa isang roadtrip si Aljur sa Marilaque Highway. Dito masusubok ang kanyang husay sa pagpapatakbo ng motor sa mga kurbadang daan. Pero matapos ang relaxing ride nila sa Marilaque, kailangang harapin ni Aljur ang hamon ni Jay. Kayanin kaya ni Aljur magpatakbo ng fishball cart na de motor? Umubra kaya ang kanyang karisma para makabenta? 

 
Susubukan naman natin ang tikas at angas ng mga small but terrible na mga Pocket Bikes! Sa pagharurot, ‘wag raw silang ismolin dahil ika nga ng kasabihan, walang maliit na hindi nakapupuwing! Ang mga gatuhod sa taas na mga motor, humahataw rin sa race track sakay ng mga chikiting riders! Pero mistula man itong laruan, sinasakyan pa rin ito ng mga nakatatanda. Samahan din si Jay subukang paandarin at sakyan ang mga munting motor. 

Tutok na ngayong Huwebes, 10 p.m., sa GMA News TV Channel 11 sa New York Festivals World Bronze Medalist - Motorcycle Diaries: Live the Ride!