Showbiz News

Megan Young at Lauren Young, totohanan na ang sakitan sa 'Marimar'

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Kung noong isang linggo ay naging mainit ang love scene nina Megan Young at Tom Rodriguez bilang Marimar at Sergio, mas marami pa raw kapanapanabik na eksena ang dapat abangan sa Marimar.
 
Kuwento ni Megan sa panayam ng 24 Oras, “Ang hindi alam ni Sergio [ay] kung ano ‘yung mga pagpapahirap na ipapagawa ni Mamita Angelica.”
 
“Iniwan niya ako eh, iniwan niya ako sa mansiyon,” patuloy niya.
 
“Seryosong paghihirap na pala ‘yung nangyayari,” pagsang-ayon naman ni Tom.
 
Ani Megan, nadadala raw sila ng kanyang kapatid na si Lauren sa mga eksena nila kaya hindi nila maiwasang magkasakitan.
 
Bahagi niya, “Intense siya eh, like ito may mga sugat-sugat, may mga pasa-pasa. May souvenir ako [mula sa eksena namin] so alam ko na worth it ‘yung pinaghirapan namin.”
 
Pinuri rin sila ng aktor dahil sa husay ng kanilang pagganap.
 
“It’s such a pleasure watching them. They’re all professionals at what they do. Ang gagaling nila,” sambit ni Tom.
 
Video courtesy of GMA News